Ikaw
17, May 2009
lived-cilegna
nang makilala ka
mundo ko’y nag-iba
di na maipinta
pag sa buhay ko ika’y mawala
-=-=-=-
ikaw, tanging ikaw
ang gusto kong matanaw
na sa aki’y nagbibigay tanglaw
sa kaluluwa kong sa dilim ay naliligaw
=-=-=-=
ngunit ikaw ngayo’y nasaan?
bakit ika’y biglang nagpaalam?
sa buhay ko ikaw lang ba’y napadaan?
bakit ako’y labis nasaktan sa iyong paglisan?
-=-=-=-
wala akong naisip na mali
lahat ginawa para ika’y mapangiti
lahat ginawa para ikaw sa aki’y manatili
ngunit bakit ako ngayo’y sawi?
=-=-=-=
mahal pa rin kita
sana ito’y iyong makita
at maramdaman mong ako’y nagdurusa
sa pag-alis mo ako’y patuloy na nangungulila
-=-=-=-
sana pagsamo ko’y iyong dinggin
ika’y muling bumalik sa akin
ikaw lang ang aking dalangin
pag-ibig mo’y ialay mo sana sa akin
=-=-=-=
ikaw pa rin ang nasa aking gunita
sa nalulumbay kong puso’y nagpapasigla
na sa pagbabalik mo ako’y umaasa’t naghahanda
para sa wagas na pag-ibig tayong muling makapaggsimula
Entry Filed under: Poetry
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to comments via RSS Feed