Mamahalin Ng Lihim
24, September 2005
lived-cilegna
alam kong ikaw ay maligaya
sa piling niya
gusto ko mang ikaw ay agawin
ito’y di ko gagawin
kaligayahan mo’y di ako hahadlang
kahit ako’y nagdaramdam
-=-=-=-
mamahalin nalang kita ng lihim
nararamdama’y aking kinikimkim
wag lang sa’yo makarating
=-=-=-=
pagkakaibigan nating natira
ayaw kong ito’y mawala
at ang aking mga sinabi
di ko na pweding mabawi
“masaya kong tinatanggap na kayo
na ako’y laging nandito para sa inyo”
-=-=-=-
nasasaktan man walang magawa
kun’di ang lihim na lumuha
=-=-=-=
mamahalin nalang kita ng lihim
nararamdama’y aking kinikimkim
wag lang sa’yo makarating
-=-=-=-
ngayon ako’y walang ibang hiling
ako sana’y muli mong mapansin
at ang ating pag-ibig muling pausbungin
habang ito’y hinihintay
ako’y umaasa at sa iyo’y nangungulila
=-=-=-=
mamahalin pa rin kita ng lihim
nararamdamay pilit kong kinikimkim
huwag lang sa’yo makarating
-=-=-=-
at sana. . .
puso mo’y tumibok muli para sa akin. . .
Entry Filed under: Poetry
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Subscribe to comments via RSS Feed